Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SUNUD-SUNOD NA KASO IHAHAIN SA MGA CELO NG CANLUBANG by Pinpin Tolentino

  • PDF

Halos dalawang buwan na nang pumutok ang kontrobersiya sa edad ng nanalong Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Canlubang at ganito na rin katagal ang paghihintay ng mga kabataan sa nasabing baranggay sa paghahangad ng katotohanan.


Nag-umpisa ang isyu ng mapag-alaman ng kampo nang pumangalawang SK Chairman candidate Paulene Villa na nandaya sa edad ang nanalong si Arlan Jane Celo. Umani ng iba’t ibang reaksyon sa tao ang nasabing kontrobersiya, partikular na sa mga kabataan.


Lumabas rin sa social networking site na Facebook ang kopya ng birth certificate at certificate of candidacy ni Celo na mayroong magkaibang petsa ng kaarawan. Labing-apat na taon ang edad ng SK Chairman sa kanyang birth certificate samantalang labinlimang taon naman sa kanyang COC. Tanging 15-17 taon lamang ang pinapayagang lumahok sa Sangguniang Kabataan.


Sinundan agad ito ng paghahain ng quo warranto case ni Villa sa Municipal Trial Court para ipawalang bisa ang proklamasyon ni Celo subalit patuloy na nakapanumpa si Celo dahil wala pa ring desisyon ang korte sa nasabing kaso.


Kasabay ng mga isyu sa SK Chairman ay ang pagbato rin ng sisi at batikos sa kaniyang mga magulang na sina Arsenia at Nolan Celo. Sinabi ni dating Konsehal Alvin Villa na desidido siyang kasuhan ng falsification of public documents ang mga ito upang madala at malaman ng tao ang katotohanan. Dagdag pa niya na kapansin-pansin ang pagkakahawig ng sulat kamay ni Nolan Celo sa birth certificate at nang sulat sa COC ng kanyang anak. Si Arsenia Celo ay isang empleyado sa opisina ni Vice-Mayor Severino Lajara at si Nolan Celo naman ay isang engineer.


Malinaw naman ang tindig ng mga Lajara sa isyu na kung may kasalanan ang kanilang mga tauhan ay dapat bigyan ng karampatang parusa.


Nakatakda ring magkaso sa Ombudsman ang isang grupo ng mga kabataan laban kay Arsenia Celo dahil sa pagpayag nito sa pagtakbo ng kanyang anak at lantarang pangangampanya rito noong eleksyon kahit alam niyang wala ito sa tamang edad.



alt

Copy of Celo's Birth Certificate

 

alt

Copy of Celo's Certificate of Candidacy

 

Add comment


Security code
Refresh