Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CANLUBANG TERMINAL EXCHANGE BINUKSAN NA PARA SA PUBLIKO

  • PDF

Komportable at organisado na ang sakayan at babaan ng mga taga-Canlubang ngayong kapaskuhan matapos buksan na sa publiko ang Canlubang Termina Exchange (CTX) nitong Disyembre 11.


Inilipat na sa loob ng terminal ang lahat ng pampasaherong jeepney sa Canlubang kabilang na ang biyaheng Buntog at Terelay. Nasa terminal na rin ang lahat ng biyahe ng tricycle papasok sa Kapayapaan Village at Canlubang Proper.


Bukas na rin ang iba’t ibang stalls ng mga dry goods at pagkain sa nasabing terminal.

 

Ang CTX ay ang pangalawa pa lamang na terminal na nakakuha ng prangkisa mula sa Sangguniang Panlungsod sa tulong ni Kon. Christian Nino Lajara. Sinasabi nito na kumpleto ang lahat ng requirements, maging ang traffic impact assessment nang nasabing terminal kaya naging mabilis ang paggulong ng resolusyon para ito ay magkaroon ng prangkisa.

 

Sa kasalukuyan, kalahati pa lamang ng nasabing terminal ang tapos na at nagagamit samantalang ang kabilang bahagi ay inaasahang magbubukas sa mga tao sa susunod na taon.---Matt Palentinos


 

alt

Comments  

 
0#2mimi20062010-12-29 07:40
yes i agree w/ u , subra ang traffic fr. am - pm . :sad:
Quote
 
 
-1#1gboyM2010-12-20 04:47
good...pero pag rush hour,trapik padin mula Don Bosco gang mayapa..sana mas lalo pang paigtingin ang traffic rules along mayapa road kasi apektado ng traffic hanggang pa Canlubang.. magandang simulain to para sa 2011..

merry xmas
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh