Siyam na residente ng Asia II MCDC, Barangay Canlubang ang arestado sa ginawang buy bust operation ng mga operatiba ng PNP-Calamba City nitong ika-29 ng Nobyembre bandang ika-anim ng gabi. Huli sa akto ng bentahan ng marijuana sina Jerico Alpay, 26 years old, Jake Michael Himpisao, 24 years old at Nathaniel Arzadon, 19 years old. Sa pangunguna ng mga arresting officers SPO1 Apolonio Naredo Jr.at PO3 Rogel Aldabe ay agad na dinakip si Alpay habang nagtangkang tumakas sina Himpisao at Arzadon. Tinugis ng mga pulis ang dalawa hanggang makarating sa bahay ng isang Aleen Mangana kung saan ay natagpuan ang mga tuyong dahon ng marijuana at rolyo ng sigarilyo.
Dinakip din sina Dennis Pandero, 20 years old, Jordan Misa, 20 years old, Joseph Misa, 20 years old, Lester Sapao, 20 years old, Michael Salarda, 16 years old at Aleen Mangana, 26 years old sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
