September 13, 2010/Sanggunian Panlungsod-Calamba City--Batay sa kahilingan na makapagtatag ng Canlubang Terminal Xchange (CTX) ay inihain ang ordinansang magkakaloob ng prankisa sa naturang terminal sa pamamagitan ni Konsehal Christian Niño S. Lajara bilang Tagapangulo ng Committee on Transportation, Franchises and Utilities.
Sa mga pagpupulong na ginanap ng Komite na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Sanggunian Panlungsod, Tanggapan ng Punong-Lungsod at ilang opisyal ng Barangay Canlubang ay isa-isang nirebisa ang mga kinakailangang maisumite ng CTX bago ma-aprubahan ang kanilang aplikasyon para sa prangkisa. Ilan lamang sa mga requirements ay ang Traffic Impact Assessment at ang disenyo o lay-out ng istrukturang itatayo. Layon nito na matiyak na naayon sa katanggap-tanggap na panuntunan ng kalinisan, kaayusan at kaligtasan ang bawat pampublikong terminal at mga shopping malls na itatatag sa lungsod ng Calamba. Sa pamamagitan nito ay mapangangalagaan ang kapakanan ng mga Calambeño.

Comments
keep it up
RSS feed for comments to this post